Friday, January 18, 2019

Katutubong Kano

Katulad ng Los Angeles, irrigated dessert ang San Diego. Ang mga mababang lugar ay mabuhangin at bato-bato  pero may mga bulubunduking lugar na madalas ulanin, paminsan mindan may snow din. Ang ulan at natutunaw na snow ay umaagos sa mga sapa ay waterfalls bago sila maging bahagi ng mga ilog. Sa mga di kalayuan ng mga sapa at ilog nanirahan ang mga sinaunang tao, mga Native Americans o mga katutubong kano.  mga tepee ay naging mga nayon o sitio, ang mga sitio ay naging komunidad, lumaki sa pagiging bayan o siudad hanggang sa maging county. Ang county ay tila katumbas ng lalawigan sa ibang bansa,  katulad ng Pilipinas.
Ang larawan ay kuha sa Warner Springs na minsa'y komunidad ng mga katutubo  bago sila sinaklaw ng mga puti mula sa Europa. Kilala ang mga Katutubong Kano na naglakad patungong  America mula sa Eurasia sa pamamagitan ng nga lupang nagsilbing tulay mula  Siberia, isang rehiyon ng Russia sa bandang Eurasia o North Asia. Ang lupang nagsilbing  tulay ng mga mandarayuhan o migrant mula sa Eurasia ay tinawag na Beringia. Ang Beringia ay pinapaniwalaang nabuo dahil sa Quaternary glaciation o ang  kilalang terminolohiya na Ice Age o Pleistocene glaciation. Minsan, mas mababa ang dagat kesa sa mga lupa kaya nakatawid ang mga unang mandarayuhan o migrants patungong America.  Ang bahagi ng North America na ngayon ay kilalang Alaska ang minsa'y naging port of entry ng mga unang mandarayuhan na tinawag na  First Nation sa Canada at napagkamaliang ding Indians ng mga sumakop sa bahagi ng America na naging  Estados Unidos.
Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang isinaalang-alang na Eurasia pero di ko maisip-isip na  lumangoy at naglakad ang aking mga ninuno ng mahigit na dalawampung libong milya para marating ang America. Pero ang aking mga ninuno ay nagmula din sa China kaya may posibilidad din na bahagi rin sa aming angkan ang mga naging First Nations ng Canada at mga Katutubong Kano. Ang likas na pagpapahalaga sa kalikasan ang ilan lang sa mga katangian na aking ipinagmamalaki sa aking mga ninuno. Malamang ang aking pagiging gala ay isa sa mga katangian na namana ko sa aking mga ninunong Katutubong Kano.



Thursday, January 10, 2019

FIIK

"IKR?"
"I don't think so, Evangeline!"
And if you ask me why? FIIK!"
One more book for my Goodreads goal while catching VTachs and FURs.
"Tran's coming!" Muffin warns me.
God, I love this place. Made it two years and hoping this place to be my last workplace. I have only Ayyeddis Vahkkenjaab of Scripps to thank for. I didn't want to die as a certified nursing assistant just like Bing. I guess I am lucky, thank God. Now I am thinking of my own burial arrangement. In case I die stupid like taking a self-portrait off a cliff at Mount San Jacinto or not bringing enough water while hiking El Cajon Peak.
I don't really care. Did I just want to disappear at Desolation Wilderness and be declared dead within a year? I never want to be declared dead at Facebook. I want to live forever at Facebook, just like Priscilla does. I still see her daily horoscope.
How stupid was I to expect to walk into a wake at Oceanside. I imagined a single story house and the coffin would be at the receiving room and two upright floor lamps both at the end of side of the coffin. Names of next of kin that include Vicki's, her husband's and her children's pinned on the satin lining of the coffin lid. I expect other visitors exclaiming that Vicki's sister seemed to look like she's just sleeping.
Shame on me for thinking that the best practices of Filipinos paying respects to the dead would be alive in America.
FIIK!
Did I wish to be cremated or be interred in a cemetery after an elaborate memorial service eulogized by a Catholic priest? Karl will be playing a rendition of Louis Armstrong's What a Wonderful World on flute and Georgia will tell how good a social worker I was at one time in the Philippines inspiring her to pursue her MSW program in Washington state.
FIIK!
Sybilla Flanagan didn't really die hiking Desolation Wilderness. She faked her own death and moved on to Denmark. I don't know why the main character's name reminds me of a part of the female genital. I found the book on OverDrive.

Saturday, August 04, 2018

Saving Fish from Drowning

Hindi na ako nagtaka kung bakit ko sa freebie table nakita ang libro. Freebie as in libre at tila walang may gusto sa libro.  Trashed and salvaged ba ga.  Saving Fish from Drowning? Na intriga ako sa pamagat ng aklat. Parang tao si Fish. Kung hindi, may nalulunod ba namang isda? Curious ako kaya ko inuwi ang libro.

Never judge a book by its cover. Madalas sabihin ng tatay ko noon. Ang tatay ko, namumulot din ng mga patapon na libro noon.  Kung di pa niya itinabi ang mga aklat na iniwan ng aking pinsan na bumalik sa Seattle matapos mag-aral ng ilang taon sa Diliman, di ko mababasa ang Brothers Karamazov ni Fyodor Dostoyevsky noong ako’y labing-apat na taon at nasa high school. Di ko makalimutan ang mga pangalan na Dmitri at Alyosha, kaya tuloy noong nagkaroon ako ng katrabaho na lumaki raw sa Russia at pangalan ay Mitra, tinanong ko kung  ang pangalan niya ay female counterpart ng Dmitri. Naiinis na hindi ang tanging sagot ni Mitra. 

Buti na lang hindi nabubulok ang mga aklat na patapon. Matapos kong  iwanan ang aklat sa isang sulok ng ilang taon,   pinagtiyagahan ko itong basahin,  curious pa rin ako  bakit pinamagatang Saving Fish from Drowning ang pamagat ng aklat. Baduy at mababaw ang paliwanag ng may akda: Ang mga Buddhist daw  kasi, bawal ang pumatay, kahit lamok.  Naayon daw sa  mga paniniwala ng mga Buddhist  ang pangingisda dahil hinuhuli lang nila ang mga isda para di malunod. 

Pinilit kong tapusing basahin ang aklat dahil interesado ako sa mga lugar na inilarawan.  Mga liblib na lugar sa border ng China at Myanmar, ang dating Burma.  Tumutugma din ang ilang mga impormasyon na ginamit sa mga pangkaraniwang kaalaman tungkol sa Myanmar.  Di ko lang maitugma ang ilan sa mga simbolismo na ginamit ng may akda. Katulad ng nakatayong bangkero sa gilid ng kanyang  bangka hawak ng kanyang sagwan habang nangingisda. 

Parang may intensiyong magpatawa ang may akda, sa prologue at pamagat pa lang. Ang tagapagsalaysay ay multo o kaluluwa ng pinaslang na Bay Area art dealer at college instructor, si Bibi Chen. Ginamit ng may akda ang mga notes ng isang psychic na naging medium.  Kung laking bundok at taga liblib ang nagbabasa, tila makatutuhanan at kapanipaniwala ang kwento. Maraming pamahiin at mga paniniwala ng mga Intsik ang ginamit. Parang exaggerated ang ilan, ang iba naman corny. 

Sunday, September 17, 2017

1984

Screenshot ito sa isang pahina ng aklat na pinamagatang 1984 na isinulat ni George Orwell. Digmaan, kapayapaan, kalayaan, pagiging alila, kamangmangan, at lakas? Napapanahon nga  ba ang nobelang isinulat noong 1948?

Timeless and classic daw?
Puede rin. Katulad ng Les Mesirables, ang nobelang likha ni Victor Hugo.

Bagamat walang  mabuting balita na dala  aklat na iniakda ni George Orwell, kathang-isip lang ito na nauukol sa mga panlipunang usapin. Napapanahon naman sa tingin ko pero kung gusto mong magbasa ng mga good news, diyan ka na lang sa iyong banal na aklat at huwag mo nang intindihan ang mga current events. Huwag mo nang guluhin ang iyong isipan  sa pagbabasa at diyan ka na lang sa iyong comfort zone na napapaligiran ng mga mabubuting balita. Malamang nababasa mo rin ang mga karaniwang pang-uuyam na hindi mo mababasa sa iyong banal na aklat. At binasa ko  ang mil nueve cientos otsenta y quatro para sa iyo.  

Masalimuot ang 1984, ang taong  binaliktad ni George Orwell na kanyang  ipinamagat sa kanyang nobela.
Nakaratay si Eric Arthur Blair na mas kilalang George Orwell, ang may akda ng nobelang pinamagatang 1984 habang sapilitan niyang tinatapos ang nobela na nailathala noong 1949. Ibig sabihin,  ang nobela ay isinusulat nong 1948. Namatay si George Orwell noong 1950, anim na buwan matapos mailathala ang kanyang nobela. Ipinanganak si George Orwell noong 1903 sa Motihari, India. Ang kanyang mga magulang ay minsan nanilbihan bilang British civil servants sa India  bago makamit ng bansa ang kanilang kalayaan mula sa Inglatera.

Newspeak, doublethink, crimethink. Ilan lang ito sa mga salitang ginamit ng may akda. Ang newspeak ay mga bagong wika sa Oceania, ang dating Inglatera. 

Ang pangunahing tauhan sa kwento ay si Winston Smith. Si Smith ay nagtatrabaho sa Ministry of Truth. Si Smith ay naatasang baguhin ang mga makasaysayang talaan para tumugma sa mga pangangailangan ng Partido. Walang pang cable news noong 1948 pero sa tirahan ni Winston Smith, mayroon telescreen. Pakiwari ko, ang telescreen sa na inilarawan sa kwento ay isang malaking camera, parang video camera o nanny cam.
Na imagine ko lang ang isang telemetry station kung saan ako kasalukuyang nagtratabaho. May mga pasyente na kailangang i monitor dalil sa kanilang fucked-up rhythms o sinus arrhythmia. Sa pamamagitan ng wireless devices na tinatawag na telemetry boxes or cardiac monitors,  hardwires ang mga ito at nasa kwarto ng mga pasyenting  may sakit sa puso, nakikita ng mga telemetry technicians ang mga  fucked-up rhytms  ng mga  pasyente. Si Willem Einthoven, isang Aleman na doctor ang nagpasimuno nito noong 1860.
Fast forward naman ng taong 1948 na binaliktad at ginawang 1984.

"Big Brother is watching." Mula sa pahina 361, para itong babala para sa lahat para hindi mahuli ng mga thought police sa salang crimethink. Sa pamamagitan ng mga telescreens na mounted sa mga dingding ng mga apartment ng mga kasapi sa Partido, naka monitor ang bawa't kilos at facial expression ng mga nakamonitor, Sa kuwento, wala pang nakakakita kay Big Brother.  Lagot ang magtanong sa salang crimethink.  Kung maaalala mo, nabanggit ko na ang pangunahing tauhan na si Winston Smith na naatasang baguhin ang kasaysayan, ang nakaraan para tumugma sa pangangailangan ng Partido ay hinuli at pinahirapan, as in tortured, sa krimen ng pag-iisip. Hindi niya matanggap ang utos ng Partido na itanggi ang mga ebidensiya na kanyang nakikita at naririnig.  Hindi siya historian at hindi rin siya peryodista. Pero alam niyang tama siya, ang kalayaan ay hindi pagiging alila at ang kawalan ng malay ay hindi lakas. Ayon kay Winston Smith sa pahina 385: "Freedom is the freedom to say that two and two makes four. If that is granted, all else follows."

Fast forward mula 1948 o 1984 hanggang sa kasalukuyang 2017.

Hindi ko lubos na maiugnay ang kwento ni Orwell sa paglipana ng fake news.  Hindi ko rin maiugnay ang pagiging supremo ng isang pinuno para tawagin siyang Big Brother o ituring siyang "God is watching us from a distance" ayon pa sa sing tanda kong awit na pinasikat ni Bette Midler. Bagama't ang pananaliksik ay pinadali ng Wikipedia, may kalayaan pa rin ang bawa't isa na magsabing "I am entitled to my own opinion!"









Wednesday, August 30, 2017

Anak na Lassi!

Natawa akong mag-isa habang binabasa ko ang menu ng Himalayan Grill. Ipinagdidiwang  namin ni RN nang pagka appove ng aming loan upang matustusan ang aming obligasyon sa aming estudyante na malapit nang umalis para manirahan sa dormitoryo ng unibersidad.
"What' so funny?" Ang naiiritang tanong ng bida.
Gusto kong gamitin sa kanya ang salitang pinagtatawanan ko.
"Anak na lassi!"
"What's a salted lassi?" Tanong ng anak na lasi sa waiter. Hindi binigay ng waiter ang kanyang pangalan. Hindi rin  ang tawag sa wika ng mga Indians. At Hindi ko rin alam kung ano talaga ang ibig sabihin ang murang "anak na lasi".
"It's made of yogurt." Maikli ang pagpapaliwanag ng waiter na Hindi nagbigay ng pangalan.
Kung si Siri pa ang tinanong ng nakababatang anak na lasi, madetalye ang sagot.
"Lassi is a very popular Indian yogurt drink made by mixing yogurt and water. There are many variations of making lassi. It could be sweet, salty or made with fruits like mango, strawberry and papaya. A salted lassi is flavored with black salt, roasted cumin powder and garnished with mint leaves."
Hindi nasiyahan ang anak na lasi sa kanyang salted lassi. 
Love ko ang aking mango lassi.  Di hamak na mas matamis at refreshing kesa sa anak na lasi na kasalukuyang naka ismid sa akin. Kung hindi ko alam kong saan siya naggaling, matagal ko na siyang binulyawan ng 'bao ni nam".
"Every plate is a culinary journey." Pangako ito ng Himalayan Grill. Nais kong maglakbay sa mga bulubundukin ng Himalayas at karatig lugar tulad ng Nepal, Tibet at Myanmar. Excited ako sa every plate!
Nang dahil sa mangkok ng lamb curry na inorder ko, sa mga bulubundukin ako ng Abha, Assir Region sa Saudi Arabia nakarating gamit ng aking long term memory.  Natatanaw mula sa ospital na aking pinagtatrabuhan ang mga mabubuting pastol, siyempre, mga Muslim sila kahit sila'y mga bado. Iniipon  ng mga mabubuting pastol na bedouin ang kanilang mga alagang tupa bago mag takip silim at bago magtawag ang mosque para sa pagdarasal.

 Naglakbay din ako nang malayo-layo sa aking kamusmusan  habang nilalasahan ko ang lamb curry na flavored ng cardamon, cinnamon sticks,  pepper corns, ginger paste, tumeric, coriander, garam masala at yogurt.  Ang Cordero ng Diyos at ang Panginoon ang nadaanan ko habang ako'y naglalakbay.  Minsan din akong sumubok maging banal.

At bigla akong napakanta sa aking isipan. Seryoso na 'to!
"Ang Panginoon ay aking pastol
Pinagiginhawa akong lubos
Handog niyang himlaya'y sariwang pastulan..."

Hindi ko maiwasang dumaan sa aking liwaliw at nawalang daan tungo sa aking muling pagkasilang. Bigla akong bumalik sa kasalukuyan at patuloy ang pag-irap sa akin ng anak na lasi.
Chicken Vindaloo naman ang order ni RN.
"Siri, what's a chicken vindaloo?"
"According to Wikipedia, Vindaloo is an Indian curry dish popular in the region of Goa, the surrounding Konkan and many other parts of India."
Ayaw kung makipagtalo kay Siri sa paggamit ng Wikipedia. 
"Siri, does Wikipedia use the MLA format?"
"Caution is advised when using Wikipedia as a source. In most academic institutions, references to Wikipedia, along with most encyclopedias, are unacceptable to research papers."
"I love you, Siri!"
"Here's a matching video!"

Sa YouTube ako dinala ni Siri.



Tuesday, August 22, 2017

Kumukutikutitap

Diyaheng magtanong!
“Are you Filipino!”
Ikinuwento  ang buong buhay habang naghihintay ng Greyhound bus. Nakinig lang ako sa kanyang perfect English, walang accent at walang grammatical errors. Walang mga tipong “where did you came? na madalas kung marinig sa mga kababayang naningkamot mag English katulad ko.  Artistahin din pero bakit siya sumasakay ng Greyhound bus? Sa Flagstaff daw siya pupunta. 
Wala sa favorite place to visit list ko ang Las Vegas. Pero nakita ko yong discounted group tour papuntang Bryce Canyon at gusto kong maranasan ang mga group tours at pag sakay ng Greyhound bus. 

 another photo

last insert

Tuesday, July 11, 2017

Ang Tipaklong at ang Gagamba

Hindi  pahuhuling  buhay si Evangeline.  Habang hinuhuli ko sa  pamamagitan ng cell phone shot itong si Evangeline, hindi mapakale. Mas gusto niya yata ang selfie, para ma upload sa Facebook. 
Hectic daw ang lifestyle nitong si Evangeline. Normal sa lifestyle ang  pagiging busy  sa mga pangkat ng tipaklong ayon pa  sa alamat. 

Sa entertainment industry ang pangkabuhayan ni Evangeline. Kilala  mang-aawit si Evangeline.  Wala siyang ibang alam na hanapbuhay kundi mag-entertain. Nag-e entertain din siya ng mga tsismis.

Hindi puedeng maging BFF ang tipaklong at gagamba. Mapang-asar ang tipaklong, asar-talo naman ang gagamba. Para silang mga  donkey at elepante, bi-partisan! 

Friday, July 07, 2017

Ang Huling El Bimbo

Lasang Eraserheads ang order kong Bangsilog! Lumulutang ang tatlong dahon ng spinach sa clear soup na lasang sinigang. Balik ako sa Manila Sunset. Una ako nagawi sa Manila Sunset Restaurant sa Rancho Cucamonga, kasama si Jane. Okay lang sa akin ang aking Pancit Malabon pero hindi nasiyahan si Jane sa kanyang bibingka.

"Kamukha mo si Paraluman
 Nung tayo ay bata pa
At ang galing galing mong sumayaw
Mapa boogie man o cha cha
Ngunit ang paborito
Ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo
Pagkaggaling sa eskwela
Ay dideretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako!"

Iniisip ko pa rin si Lilia Bantados. Um attend ako ng Amazon.com sellers' conference sa San Diego Hilton at kasama siya sa isang kumpol ng mga kalahi. Registered nurse daw siya. Matapos ko siyang  sagutin sa kanyang tanong sa English: "Filipina?"
Oo, Pilipino!
Inabutan ako ng business card. Binasa ko. "At ikaw si Linda?"
"No, it's Lilia!"


"Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay"

Nagmistula akong applicant at si Lilia ang aking potential employer. 
"Saan ka nakatira?" 
Sa Rancho Santa Fe...
"Ilang taon ka na dito sa Merica?" 
Bagong salta ako...
"Ano trabaho mo?"
 Wala akong trabaho ngayon, day off ko!
"Anong phone number mo?" 
Heto ang business card mo, hindi ako interesado. 
Wala  akong sapat na laway para ipuhunan para sumali sa pyramid scheme business na inaalok ng card na iniabot ni Lilia.

"Kailangan mo ng malaking investment bago makapag benta online sa Amazon.com!"
Bye, Felicia!
"No, it's Lilia!"
Hindi ko na maalala kung kailan ako huling inismiran: "Tse, tsura lang!"


"Naninigas  ang aking katawan
Kapag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng beywang mo
At pungay ng yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahang dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso!"

Dito sa Merica, kalahi mo ang unang bibiktima sa iyo. Nakalagay sa business card ni Lilia ang Primerica. Masama ang kutob ko sa  mga taong katulad ni Lilia. Ang "unlimited income potential" ay kumita na para kay Bernie Madoff. Siempre nasa bilangguan pa rin si Bernie Madoff.



"Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
At kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
 Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tun
La la la la la...
At lumipas ang maraming taon
Hindi na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskenita
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw!"

"Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay!"
Nasagasaan nga ba ang huling El Bimbo?
"Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay!"

Ayon sa Facebook ni Lilia, born again din siya.  Malamang make Primerica great again, din!
Adu la amin!

Tuesday, July 04, 2017

Isang Kwento Patungkol sa mga Isda

Kwento ni Nett del Rosario. Sigurado ako siya ag nagkwento sa akin. Siya ang pinakaliterary na kakilala ko sa aking mga naging kaeskwela sa Normal.
Walang binatbat ang mga  short stories ni Nick Joaquin sa kwento ni Nett . Ang kwento ay sumagi sa aking memory habang nagliliwaliw ako sa isang Filipino store sa National City. Patungkol ang kwento sa mga araw araw na gawi  ng mga  nag-uulam ng tuyo, tinik at iba pa, maging ang mga pangkaraniwang isda, tulad ng bangus.

Isang mahirap na pamilya raw ang binisita, ayon sa kwento ni Nett. Si Nett din pala ang nagkwento sa akin tungkol sa isang bata na pumigil sa malaking baha sa Holland sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang hintuturo. Tuloy ng kwento ni Nett.

Kaugalian ng mga Pilipino,  lalo na sa mga mahihirap, ang  magbigay ng the best sa kanilang mga bisita. Kahit ipang-utang pa. Kaya itong pamilya ay nag serve ng buong pritong isda sa kanilang bisita.

The best at pinaka mahal ang maya-maya. Pagkakataon ko nang gamitin ang larawan ng maya-maya na kinuha ko sa Manila Seafood City sa National City. Oops, ayaw mag upload, kaya screenshot na lang.. 

Sa improvised na kwento ni Nett del Rosario, maya-maya ang nagkataung naidaan ng maglalako ng isda. Siyempre, espesyal para sa bisita.  Habang kumakain daw ang bisita, sinisilip ng buong pamilya sa pamamagitan ng isang butas sa dingding ang bawat subo ng bisita.
"Ay, binaliktad na ang pritong maya-maya!"
Malungkot ang buong mag-anak dahil inubos ng bisita ang pritong maya-maya. The end ang story. 

Round Scad as in galunggong, ang pambansang isda ng mga mahihirap na Pilipino. Noong ako'y mag-aaral pa sa Normal, galunggong ang lagi kong binibili para hapunan naming magkakapatid.  Yon lang ang kaya ng budget. Si MJ ang laging nagbibigay ng pamalengke. Minsan nag-iwan ng note si MJ sa ibabaw ng takip ng kaldero kung saan ang paksiw na round scad:
"Ascariasis: don't eat!"

"Kiss my bass!" Special tag sa akin ni Djeline. Apahap pala sa Tagalog ang tawag sa isdang  yan. Madalas daw huli to sa Atlantic coast. At ngayon lang ako nakakita ng bass na isda. Rejoinder  ang kiss my bass ang aking favorite tag line: go pluck yourself!
Poki ng ina mo rin! Bakit nga ba mura ang tawag sa mga expletives? 
Cooking ina, ano nga ba pinag-uusapan natin?
Itong agiw tala ay patungkol pa rin isda. Alam mo ba kung anong masarap na gawing poki? Tuna at octopus! Mawalang galang pu, ang poki pu ay kung sa mga Hapon pa ay sashimi at sa mga Bisaya naman ay kinilaw. Wala tong kinalaman sa okinnana.

Last but not the least: hito or catfish sa English. Ang hito ay may whiskers tulad ng  pusa, kaya siguro ito tinawag na pusang isda. Minsan, habang mag-aaral ako sa Asian Social Institute, binigyan ako ng assignment  na mag bigay ng name tags sa mga dumadalo sa Asian night. Ang pangalan ng guest na Hapon ay Hirohito. 
"How would you like to be called tonight, Hiro or Hito?" 

Hiroshimaryosep!

Pero the best ang pocherong catfish!
Ang sangkap:
2 pusang isda, malinis at nahiwa na
hubad na saging 
bokchoi o pechay o di kaya repolyo 
isang lata ng tomato sauce 
paminta o ang iyong favorite na rekado 
sapat na tubig 

I prito ang pusang isda. Ilagay ang lahat ng sangkap pati na ang pritong pusang isda sa kaldero. Ang pocherong pusang isda ay maglalasang pocherong dalag!


Friday, June 23, 2017

Greenhouse effect and global warming

It was Svante Arrhenius, a Swedish scientist who was the first to claim that fossil fuel combustion MAY eventually result in enhanced global warming. An example of fossil fuel is coal.  Coal is a solid fossil fuel formed over millions of years by decay of vegetation. Coal is a sedimentary rock containing mostly of vegetal matter las that contains carbon hydrogen oxygen, nitrogen sulfur and some inorganic mineral elements. When this material decays under water in the absence of oxygen, the carbon content increases. The initial product of  this decomposition process is known as peat

Tuesday, April 25, 2017

the inglorious bitch

 Running after somebody, you gotta get him somehow
I think you've got to slow down before you start to blow it
I think you're headed for a breakdown, so be careful not to show it
You really don't remember, was it something that he said?
Are the voices in your head calling, Gloria?
Gloria, don't you think you're fallin'?
If everybody wants you, why isn't anybody callin'?
You don't have to answer
Leave them hangin' on the line, oh-oh-oh, calling Gloria
Gloria (Gloria), I think they got your number (Gloria)
I think they got the alias (Gloria) that you've been living under (Gloria)
But you really don't remember, was it something that they said?
Are the voices in your head calling, Gloria?
A-ha-ha, a-ha-ha, Gloria, how's it gonna go down?
Will you meet him on the main line, or will you catch him on the rebound?
Will you marry for the money, take a lover in the afternoon?
Feel your innocence slipping away, don't believe it's comin' back soon
And you really don't remember, was it something that he said?
Are the voices in your head calling, Gloria?
Gloria, don't you think you're fallin'?
If everybody wants you, why isn't anybody callin'?
You don't have to answer
Leave them hangin' on the line, oh-oh-oh, calling Gloria
Gloria (Gloria), I think they got your number (Gloria)
I think they got the alias (Gloria) that you've been living under (Gloria)
But you really don't remember, was it something that they said?
Are the voices in your head calling, Gloria?
(Gloria, Gloria, Gloria, Gloria, Gloria)
(Gloria, Gloria, Gloria, Gloria, Gloria)...

Photos by Beng during a hike at Point Defiance Park. Glenit, the charge RN suddenly sang the song and I remember Trilby who sang the song everytime she saw me. I realized the song is no different from Delta Dawn, the song that comes to mind everytime I talked to Anna Duarte.

Tuesday, April 18, 2017

da fucking gnome-mad in the Northwest

The only thing that stuck from Jean-Pierre Jeunet’s 2001 film was about the traveling gnome. Djeline's "da gnome" idea was grabbed but since I've always defied conservative  thoughts, da gnome  which sounds like "danum", the Ilocano term for water, just sounded so neutral like its pH. Da gnome-mad follows how I complicated the FOB (fresh off the boat, that is!) representation of myself as an immigrant: nomad!
If not for the cheap airfares offered by Expedia, I never would have set foot into Boise, pronounced as boy see, not how a Filipino pronounce voice. Boise is the capital Idaho. Idaho is somewhat the potato capital of America.
More than eight hours enroute to Seattle from San Diego by plane is about how long it takes to get to San Francisco by Amtrak from LA Union station. Patience pays. I never would have a glimpse of seeing the summit of a mountain  above the clouds. 
Mount Adams above the clouds. Located in a Google maps within the Yakama Native American Reservation Forest, Mount Adams and all of  its 12,776  feet elevation is the second highest peak in Washington state and third highest peak in the Cascade Ranges, according to the USDA Forest Service. The Cascade Range or simply the Cascades is a major  mountain range in the western portion of North America. The range includes the northern ranges of California where Mount Shasta, the second highest peak, is located  and extends into the southern ranges of British Columbia, province of Canada.

 

 

 

 

 

Sunday, February 26, 2017

waterfools

Moi
Oh
Smile
Che 
Ah
Again?
Oh well
Here comes 
Another 
Again

Ohhh

Fun
Lol
Beauty 
Selfie 
Looking for the imaginary big horn
Che 
Che 
 
Moi
Selfie 
The visitor center