Lasang Eraserheads ang order kong Bangsilog! Lumulutang ang tatlong dahon ng spinach sa clear soup na lasang sinigang. Balik ako sa Manila Sunset. Una ako nagawi sa Manila Sunset Restaurant sa Rancho Cucamonga, kasama si Jane. Okay lang sa akin ang aking Pancit Malabon pero hindi nasiyahan si Jane sa kanyang bibingka.
"Kamukha mo si Paraluman
Nung tayo ay bata pa
At ang galing galing mong sumayaw
Mapa boogie man o cha cha
Ngunit ang paborito
Ay ang pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo
Pagkaggaling sa eskwela
Ay dideretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako!"
Iniisip ko pa rin si Lilia Bantados. Um attend ako ng Amazon.com sellers' conference sa San Diego Hilton at kasama siya sa isang kumpol ng mga kalahi. Registered nurse daw siya. Matapos ko siyang sagutin sa kanyang tanong sa English: "Filipina?"
Oo, Pilipino!
Inabutan ako ng business card. Binasa ko. "At ikaw si Linda?"
"No, it's Lilia!"
"Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay"
Nagmistula akong applicant at si Lilia ang aking potential employer.
"Saan ka nakatira?"
Sa Rancho Santa Fe...
"Ilang taon ka na dito sa Merica?"
Bagong salta ako...
"Ano trabaho mo?"
Wala akong trabaho ngayon, day off ko!
"Anong phone number mo?"
Heto ang business card mo, hindi ako interesado.
Wala akong sapat na laway para ipuhunan para sumali sa pyramid scheme business na inaalok ng card na iniabot ni Lilia.
"Kailangan mo ng malaking investment bago makapag benta online sa Amazon.com!"
Bye, Felicia!
"No, it's Lilia!"
Hindi ko na maalala kung kailan ako huling inismiran: "Tse, tsura lang!"
"Naninigas ang aking katawan
Kapag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng beywang mo
At pungay ng yong mga mata
Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahang dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso!"
Dito sa Merica, kalahi mo ang unang bibiktima sa iyo. Nakalagay sa business card ni Lilia ang Primerica. Masama ang kutob ko sa mga taong katulad ni Lilia. Ang "unlimited income potential" ay kumita na para kay Bernie Madoff. Siempre nasa bilangguan pa rin si Bernie Madoff.
"Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
At kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tun
La la la la la...
At lumipas ang maraming taon
Hindi na tayo nagkita
Balita ko'y may anak ka na
Ngunit walang asawa
Tagahugas ka raw ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi'y nasagasaan sa isang madilim na eskenita
Lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw!"
"Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay!"
Nasagasaan nga ba ang huling El Bimbo?
"Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalaymalay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay!"
Ayon sa Facebook ni Lilia, born again din siya. Malamang make Primerica great again, din!
Adu la amin!
No comments:
Post a Comment