Siya ang sidekick ng walang luwalhating liwaliw. Minsan tinawag siyang Lao Tzu, ang kilalang Intsik na pilosopo. Siya ang makapagdala-isip sa salawikain na ang isang biyahe ay nag-uumpisa sa isang hakbang. Naging Holy Shih Tzu din siya, ang palayaw ay Holy Shit. Banal na Tae sa inang dila pero mas naaakma ang bansag na ito para sa kanyang handler.





