Monday, April 25, 2016

This agnostic

To some people, being agnostic is no different from being an atheist. To me an athiest is no different from a religious fanatic like a born-again Christian. Both groups would grill an agnostic. Born-again Christians like most Muslims, Roman Catholics and any other Christians build churches and mosques and require attendance and loyalty among their faithful. The faithful pledging loyalty to their churches in the name of Jesus look upon on non-church goers like me as lost souls. I do look at them in rhe same ways. They're just a bunch of fanatics. 
The photo is taken from my other work place. I love going into the interfaith chapel and trying to recognize the emblems. 

Friday, April 22, 2016

Watching POTUS in London

In two weeks I will be joining RM in Philly for a trip to Washington DC. There,
we would be meeting Saul de Vries, the new Philippine labor attaché. I am glad I'd be going to the nation's capital while President Obama is still in the White House. President Obama is the only president I voted for. I never really voted for any Philippine president because no one appealed to me. 
I am having the same feelings I had in the Philippine for presidential elections. I am voting for Senator Bernie Sanders in the primaries. He is not going to be the Democratic nominee but vote is an ideological expression. After the California primaries in June, it doesn't matter who is going to be my adopted country's president. And yes I am getting less scared on Donald Trump becoming the next US president. 
As I watched President Obama being asked by a reporter if it is any of his business to tell the British people that UK  is better off staying in the European Union circle, I wondered how Donald Trump would handle such a blunt question. The president simply shrugged off the question as if dealing with a teenager throwing a fit. I also wonder if Donald Trump would even get close to visiting a country in the Gulf Region, much less, the Kingdom of Saudi Arabia. 

Sunday, April 17, 2016

A Hoarder's house

Even a food stamp benificiary Caucasian would winch at a suggestion to find an apartment in Mira Mesa. Mira Mesa which was once thought of as a flower plateau has been tagged as Mira Manila. Even a mortgage-laden Filipino RN would flaunt a zip code that is not Mira Mesa. Even non-RN Filipinos like me would feel offended for being thought of as a Mira Mesa resident. Mira Mesa is kind of an Filipino ethnic village in San Diego. 
The first thing that came to mind when I saw the house at corner Belgian St and Dewsbury Ave was Tondo or maybe Cavite St near Bluementritt Market. 
'Ika pa sa salawikain, ang di marunong lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan. 

Ay ambot!

Saturday, April 09, 2016

Mga Halamang Ligaw

Kapanahunan ng mga ligaw na bulaklak, kapanahunan  din ng aking walang kwentang agiw tala. Inspired nga ba o wala lang magawa?   Ang ipinapanalanging ulan ay dumating din pagkatapos ng tagtuyot. Panahon na naman ng tagsibol at namumulaklak ang mga halamang ligaw. Heto, trying hard din ang  inaagiw kong utak kantó. 
Naglipana ang mga California bush monkey flowers sa mga open space preserve sa kapaligiran. Bawal  silang kolektahin, hugutin, padamihin at palaganapin. Kung hindi  pa ako hinugot, asan kaya ako ngayon? Malamang sa squatter pa rin. Pilit kong hinugot ang ilang sumisibol na mga batang unggoy para itanim sa paso. Nakita ko ang sarili ko sa mga unggoy. Katulad ko puede rin siguro silang maging transplant.  Pula, naranghita at dilaw! Ako ay lubos na natuwa sa mga malalagkit  na bulaklak ng mga unggoy. 
Ito ay ang wild hyacinth na mas kilala sa tawag na blue dicks. Binugbog na patutoy ayon pa sa pagsalin ni Djeline. Kako naman, binugbog na bayag.  Noong una ko silang makilala, natuwa ako sa kanila dahil sa kanilang pagkakapangalang Blue Dicks. Marami na rin akong hinugot na blue dicks. Naalala ko pa ang bugtong na una kong narinig mula sa  aking ina. Siya lang ang puede magtanong noong ako'y musmos pa: impalok ti Igorot di mo mabagrot?  Ang sagot sa Ilocano rin: okinnam, saan ka nga agsasao ti dakes, basol ken Apo Diyos!
Deer weed flowers and tawag sa kanila. 
Dahil sa kanilang pagiging ligaw, bawal din silang kolektahin at palaganapin. Minsan lang ako nakakita ng usa sa open  space preserve na nakakapaligid sa aming tahanan. Mabubusog sila sa dami ng deer weed na ngayon ay namumulaklak rin tulad ng mga unggoy.
Di ko na kailangang kunsultahin ang US Database for Wildflowers para makunpirma na ang bulaklak sa larawan ay isang sunflower. Ito ang bulaklak na laging palamuti sa ball pen ni Tetey Soriano, ang  dati kong boss sa Insttute for Labor Studies. May bubuyog na sumisipsip sa sunflower, ganyan din si Tetey noon, maraming sumisipsip. May mga insekto rin na dumapo sa sunflower. Isa ako sa mga insekto na hindi natutong sumipsip, sapat na yong makadapo man lang sa Institute. 
Morning glory? Ang morning glory sa akin  ay hindi ligaw na bulaklak kundi ligaw na muta sa umaga.
Ito yata ang tinatawag na Chinese houses. Maganda nga naman ang bahay ng mga Instik.
Checker blooms daw ang tawag ng mga iyo. Pilit ko rin silang  pinapalaganap matapos hugutin. 
Last but not the least ay ang Lord's Candle. Kasamahan ng Joshua Tree ang Lord's Candle. Ang Joshua Tree ay naihalintulad sa isang Mormon na nananalangin. Ang Joshua Tree ay isang uri din ng yucca katulad ng Lord's Candle. Pero iba ang sumasagi sa aking isipan tuwing nakikita ko ang ligaw na halaman na ito. 
Blue dicks at ang bugtong ng aking ina noong ako'y musmos pa! Ito ang kandila ng Panginoon noong musmos pa siya. Tatawagin ko ang ligaw na halaman ito bilang Baby Jesus!