I have just been watching the GOP debate on CNN.
Thursday, February 25, 2016
Sunday, February 21, 2016
Sweets from Geri
Geri is my NOC supervisor at Sharp. She is a Rapid Response Teamleader RN at the Central Telemetry Unit. The candy jar was her sweet welcome to this new per diem staff.
"Are you a nurse or an engineer?" James, a new acquaintance at a SD international meet up group asked me upon learning that I come from the same country that Geri comes from. I didn't know if I would be complimented or not.
Geri does not fit into the stereotypes. She is just another co-worker and superior who was welcoming me in her sweet ways.
Wednesday, February 03, 2016
Muni-muni sa Manila Sunset
Noong huling pumarito ako, awit ni Heber Bartolome ang sumalubong sa akin: Bakit nanggagaya, meron naman tayo.
Ngayon naman, si Yano yata ang kumakanta:
Kamusta na, buhay pa ba?
At kung hindi, paano na?
Ewan mo ba? Bahala na?
Dumating ang pritong tilapia. Ah..buhay ng tilapia bago iprito! Sa Tinajero ko sila ganap na nakilala. Tuwing bumabaha lang sila nakakalaya. Kung minsan, ang sakuna ay simula ng ibang pagkakataon. Pagkakataon umusbong. Sa Tinajero ko unang sinubukang magsulat sa sariling wika. Nakasaad sa wikang Pilipino ang alituntunin ng samahang binubuo namin noon ni Ka Tess, na malapit ng maging kalihim. Pagdating sa SEC, na incorporate ang samahan sa loob ng sampung minuto gamit ng pre formatted registration forms ng SEC. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa aking katha. Sinunod ko pa namang maigi ang mga limang elemento ng pagsusulat ng maikling kwento ayon sa turo ni Gng. Genoveva Matute.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayunan ay nahalina
Bayan ko binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas?
Noong magsimulang lumipad ang ibon, tila sumisigaw na ang babaeng mang-aawit para maabot ang mataas na nota. Makabagbag damdamin ang awit. Minsan naramdaman ko rin ang drama ng ibong nakulong at di makalipad noong di ako binigyan ng visa para makalipad patungong America.
Akala ko ikaw ay akin
Totoo sa aking paningin
Ngunit nang ikaw ay yakapin
Naglalaho sa dilim..
Samagi sa aking isipan ang mga sinehan sa may kanto sa Recto at Avenida. Mga malalaswang eksena ang biglang bumalik sa aking mga alaala, tila mga flashbulb memories.
Ayoko nang magising
Ayaw ko nang mangarap
Ayaw ko nang manalamin
Nasasaktan ang damdamin!
Ayaw ko nang sipsipin ang ulo ng tilapia. Tinik na lang ang natira.
Si KM ang naalala ko noong buong giliw kong sinisipsip at hinihimay ang ulo ng pritong tilapia. Hindi ako nag-atubili at wala akong pakialam kung nasa Manila Sunset ako. Gustong gusto din daw himayin at sipsipin ni KM ang ulo ng pritong tilapia. Minsan daw sa hapag kainan, ulam nilang mag-anak ay pritong tilapia. Gusto ring kunin ni KM ang tirang ulo ng tilapia ni OJ pero pinigilan lang ni TA. Si OJ ang extra member of the family nina KM. Ano kayang nangyari noong palitan ang tawag sa mga katulad ni OJ bilang kasambahay? Sigurado ako na walang nagbago sa turing kay OJ bilang extra member of the family sa loob ng tahanan ni KM. Mangilan-ngilan lang ang katulad ni KM.
Di ba? 'Tang ina, nagmukha akong tanga
Pinaasa lang niya ako, lecheng pag-ibig to
Diyos ko, ano ba naman ito?
Love ko talaga ang tilapia heads!
Subscribe to:
Posts (Atom)



