Screenshot ito sa isang pahina ng aklat na pinamagatang 1984 na isinulat ni George Orwell. Digmaan, kapayapaan, kalayaan, pagiging alila, kamangmangan, at lakas? Napapanahon nga ba ang nobelang isinulat noong 1948?
Timeless and classic daw?
Puede rin. Katulad ng Les Mesirables, ang nobelang likha ni Victor Hugo.
Bagamat walang mabuting balita na dala aklat na iniakda ni George Orwell, kathang-isip lang ito na nauukol sa mga panlipunang usapin. Napapanahon naman sa tingin ko pero kung gusto mong magbasa ng mga good news, diyan ka na lang sa iyong banal na aklat at huwag mo nang intindihan ang mga current events. Huwag mo nang guluhin ang iyong isipan sa pagbabasa at diyan ka na lang sa iyong comfort zone na napapaligiran ng mga mabubuting balita. Malamang nababasa mo rin ang mga karaniwang pang-uuyam na hindi mo mababasa sa iyong banal na aklat. At binasa ko ang mil nueve cientos otsenta y quatro para sa iyo.
Masalimuot ang 1984, ang taong binaliktad ni George Orwell na kanyang ipinamagat sa kanyang nobela.
Nakaratay si Eric Arthur Blair na mas kilalang George Orwell, ang may akda ng nobelang pinamagatang 1984 habang sapilitan niyang tinatapos ang nobela na nailathala noong 1949. Ibig sabihin, ang nobela ay isinusulat nong 1948. Namatay si George Orwell noong 1950, anim na buwan matapos mailathala ang kanyang nobela. Ipinanganak si George Orwell noong 1903 sa Motihari, India. Ang kanyang mga magulang ay minsan nanilbihan bilang British civil servants sa India bago makamit ng bansa ang kanilang kalayaan mula sa Inglatera.
Newspeak, doublethink, crimethink. Ilan lang ito sa mga salitang ginamit ng may akda. Ang newspeak ay mga bagong wika sa Oceania, ang dating Inglatera.
Ang pangunahing tauhan sa kwento ay si Winston Smith. Si Smith ay nagtatrabaho sa Ministry of Truth. Si Smith ay naatasang baguhin ang mga makasaysayang talaan para tumugma sa mga pangangailangan ng Partido. Walang pang cable news noong 1948 pero sa tirahan ni Winston Smith, mayroon telescreen. Pakiwari ko, ang telescreen sa na inilarawan sa kwento ay isang malaking camera, parang video camera o nanny cam.
Na imagine ko lang ang isang telemetry station kung saan ako kasalukuyang nagtratabaho. May mga pasyente na kailangang i monitor dalil sa kanilang fucked-up rhythms o sinus arrhythmia. Sa pamamagitan ng wireless devices na tinatawag na telemetry boxes or cardiac monitors, hardwires ang mga ito at nasa kwarto ng mga pasyenting may sakit sa puso, nakikita ng mga telemetry technicians ang mga fucked-up rhytms ng mga pasyente. Si Willem Einthoven, isang Aleman na doctor ang nagpasimuno nito noong 1860.

Fast forward naman ng taong 1948 na binaliktad at ginawang 1984.
"Big Brother is watching." Mula sa pahina 361, para itong babala para sa lahat para hindi mahuli ng mga thought police sa salang crimethink. Sa pamamagitan ng mga telescreens na mounted sa mga dingding ng mga apartment ng mga kasapi sa Partido, naka monitor ang bawa't kilos at facial expression ng mga nakamonitor, Sa kuwento, wala pang nakakakita kay Big Brother. Lagot ang magtanong sa salang crimethink. Kung maaalala mo, nabanggit ko na ang pangunahing tauhan na si Winston Smith na naatasang baguhin ang kasaysayan, ang nakaraan para tumugma sa pangangailangan ng Partido ay hinuli at pinahirapan, as in tortured, sa krimen ng pag-iisip. Hindi niya matanggap ang utos ng Partido na itanggi ang mga ebidensiya na kanyang nakikita at naririnig. Hindi siya historian at hindi rin siya peryodista. Pero alam niyang tama siya, ang kalayaan ay hindi pagiging alila at ang kawalan ng malay ay hindi lakas. Ayon kay Winston Smith sa pahina 385: "Freedom is the freedom to say that two and two makes four. If that is granted, all else follows."
Fast forward mula 1948 o 1984 hanggang sa kasalukuyang 2017.
Hindi ko lubos na maiugnay ang kwento ni Orwell sa paglipana ng fake news. Hindi ko rin maiugnay ang pagiging supremo ng isang pinuno para tawagin siyang Big Brother o ituring siyang "God is watching us from a distance" ayon pa sa sing tanda kong awit na pinasikat ni Bette Midler. Bagama't ang pananaliksik ay pinadali ng Wikipedia, may kalayaan pa rin ang bawa't isa na magsabing "I am entitled to my own opinion!"

No comments:
Post a Comment