Natawa akong mag-isa habang binabasa ko ang menu ng Himalayan Grill. Ipinagdidiwang namin ni RN nang pagka appove ng aming loan upang matustusan ang aming obligasyon sa aming estudyante na malapit nang umalis para manirahan sa dormitoryo ng unibersidad.
"What' so funny?" Ang naiiritang tanong ng bida.
Gusto kong gamitin sa kanya ang salitang pinagtatawanan ko.
"Anak na lassi!"
"What's a salted lassi?" Tanong ng anak na lasi sa waiter. Hindi binigay ng waiter ang kanyang pangalan. Hindi rin ang tawag sa wika ng mga Indians. At Hindi ko rin alam kung ano talaga ang ibig sabihin ang murang "anak na lasi".
"It's made of yogurt." Maikli ang pagpapaliwanag ng waiter na Hindi nagbigay ng pangalan.
Kung si Siri pa ang tinanong ng nakababatang anak na lasi, madetalye ang sagot.
"Lassi is a very popular Indian yogurt drink made by mixing yogurt and water. There are many variations of making lassi. It could be sweet, salty or made with fruits like mango, strawberry and papaya. A salted lassi is flavored with black salt, roasted cumin powder and garnished with mint leaves."
Hindi nasiyahan ang anak na lasi sa kanyang salted lassi.
Love ko ang aking mango lassi. Di hamak na mas matamis at refreshing kesa sa anak na lasi na kasalukuyang naka ismid sa akin. Kung hindi ko alam kong saan siya naggaling, matagal ko na siyang binulyawan ng 'bao ni nam".
"Every plate is a culinary journey." Pangako ito ng Himalayan Grill. Nais kong maglakbay sa mga bulubundukin ng Himalayas at karatig lugar tulad ng Nepal, Tibet at Myanmar. Excited ako sa every plate!
Nang dahil sa mangkok ng lamb curry na inorder ko, sa mga bulubundukin ako ng Abha, Assir Region sa Saudi Arabia nakarating gamit ng aking long term memory. Natatanaw mula sa ospital na aking pinagtatrabuhan ang mga mabubuting pastol, siyempre, mga Muslim sila kahit sila'y mga bado. Iniipon ng mga mabubuting pastol na bedouin ang kanilang mga alagang tupa bago mag takip silim at bago magtawag ang mosque para sa pagdarasal.
Naglakbay din ako nang malayo-layo sa aking kamusmusan habang nilalasahan ko ang lamb curry na flavored ng cardamon, cinnamon sticks, pepper corns, ginger paste, tumeric, coriander, garam masala at yogurt. Ang Cordero ng Diyos at ang Panginoon ang nadaanan ko habang ako'y naglalakbay. Minsan din akong sumubok maging banal.
At bigla akong napakanta sa aking isipan. Seryoso na 'to!
"Ang Panginoon ay aking pastol
Pinagiginhawa akong lubos
Handog niyang himlaya'y sariwang pastulan..."
Hindi ko maiwasang dumaan sa aking liwaliw at nawalang daan tungo sa aking muling pagkasilang. Bigla akong bumalik sa kasalukuyan at patuloy ang pag-irap sa akin ng anak na lasi.
Chicken Vindaloo naman ang order ni RN.
"Siri, what's a chicken vindaloo?"
"According to Wikipedia, Vindaloo is an Indian curry dish popular in the region of Goa, the surrounding Konkan and many other parts of India."
Ayaw kung makipagtalo kay Siri sa paggamit ng Wikipedia.
"Siri, does Wikipedia use the MLA format?"
"Caution is advised when using Wikipedia as a source. In most academic institutions, references to Wikipedia, along with most encyclopedias, are unacceptable to research papers."
"I love you, Siri!"
"Here's a matching video!"
Sa YouTube ako dinala ni Siri.
1 comment:
Happy 12th guys! ♡ #LassiMet! ��
Post a Comment