Ang totoo, minsan kinamumuhian ko ang aking selfie. Ako'y napapangiwi sa aking kaanyuhan. Hindi lang Faded Glory ang naaalala ko, kundi distressed jeans pa, punit at butas. Asan na ang minsang himaya ng Diyos sa kaitaas-taasan? Sa tuwing tinitignan ko ang mga selfie ko, si Tita Tits ang nakikita ko. Hindi si Tita Tits na naggigitara sa kanyang kabataan, nag plu-plucking. Kundi ang Tita Tits sa kanyang kupas na kabataan. Minsan maasim pa ako sa sukang Iloko at minsan naman mapakla pa sa hilaw na kamatsili. Minsan naman si Aling Boobs ang sumasagi sa aking isipan: laging nanunuya at nakaismid.
Hindi ko magawang magmukhang normal sa aking mga selfie. Kung sabagay, normal ang selfie sa mga batan-on. Sa mga minsang himaya ng Diyos at ngayo'y hindi lang Faded Glory kundi Abercrombie distressed jeans pa, ibang bagay na ang pagseselfie: kalunos-lunos as in pathetic. Ika pa ni Noa Pineda na minsan ay naging guro ko sa Asian Social institute, FGLG! Feeling guapa, looking gaga daw!
Ika pa ng mga Bisaya...mag-ugot ka na lang!




No comments:
Post a Comment