
"Don't baboy the pig!"
Hindi ko alam kung si Nett del Rosario ang may akda sa pagpapahayag or bulalas. Sa kanya ko una itong narinig. Sa tuwing nakakakita ako ng baboy, ang bulalas ni Nett ang naaalala ko.
Pinaka mura ang baboy.
"Ang baboy mo naman!"
Pinakamura rin sa lahat ng mga ulam ang baboy lalo na kung ito'y buto-buto, buntot, sila, atay, tenga, nguso at iba pa.
Pinakuluan ko ang nguso at tenga sa suka, toyo, tuong ot toi at leche de coco. Ang nguso at tengang inadobo sa leche de coco ang magiging sangkap sa aking pinakbet sa mga susunod na araw.

No comments:
Post a Comment