Nang dahil sa hamon ni Uding...
"Ang mga dating normal sa America, hindi na marunong managalog!"
Heto si Uding na ngayo'y guro ng Ingles sa China ang minsa'y nangantiyaw sa pagpupumilit kong pagpapahayag ng aking estado sa mukhaaklat gamit ng wika ng mga katagalugan, mali-mali nga naman. Wala ang sasakyang pangwawasto at hindi kilala ng aking telepono ang mga salitang ginagamit ko kaya yon naghalong balat at tinalupan ang aking pagpapahayag. Mukhaaklat at sasakyang pangwawasto? Wala sa Google yan!
Masarap mag-agiw tala sa wika ng mga katagalugan. Dito ko lang naipapadama sa aking sarili na ang wika ng mga katagalugan ay isang de kalidad na wika at hindi lang gamit ng mga nakatira sa squatter or mga namamalagi sa kanto. Malungkot isipin na ang mga manunulat sa tabloids lang ang nagsusulat sa wika ng mga katagalugan. Bakit nga ba na si Nick Joaquín, ang bantog at pambansang manunulat na ipinanganak sa Kamaynilaan ay sa wikang dayuhan lang nagsulat?
Bago pa lang ako nagsimulang mag-agiw tala gamit ng wikang katagalugan. Sa tuwing nakakarinig ako ng Kano na nagpupumilit makipag-usap sa wika ng mga katagalugan sa akin, gusto ko siyang batukan. Nakaka insulto! Ang alam lang nilang "tag-a-log" ay mga mababang uri wika ng mga katagalugan.
"Buwisit!"


No comments:
Post a Comment