Sige lang Mikey, hindi ko naman type and kuwento. As usual, ang manunulat ay isang Pilipino sa America na di marunong magsulat sa sariling wika."Higit pa sa amoy ng mabahong isda", 'ika pa ni Florante. As usual, ang kuwento ay tungkol sa mga burgis sa Inang Bayan. Pati ba naman dito sa America, kaburgisan pa rin ang nasa isipan. Inilalarawan sa kuwento ang mga kapwa pasahero ng pangunahing tauhan sa eroplano: isang "Texas-big American" kasama ang "Filipina" at mga maids na nagtsitsismisan. Gusto kong ibasura ang aklat. Nakikipagtalo ako at pilit kong winawasto ang sinumang magtanong sa akin if I am a "Filipina".
"No, I am a Filipino!"
Inggit lang ba ako at nakatanggap ng gantimpala mula sa Man Asian Literary Prize ang may akda na si Miguel Syjuco? Hindi buong kuwento ay nakatuon sa mga maids na nagtsitsismisan sa eroplano pero makatutuhanan ba ang scenario?
"The women's bluster and brusqueness are crystallized by years of servitude, unconvincing confidence, irreconcilable distance from things to which they once clung closely."
Wala pa akong nakikilalang Pilipino na namamasukan bilang katulong sa America. Bagama't madalas akong nakakakilala ng mga Pilipinong ipinagmamalaki ang pagkakaroon ng dala-dalawang "katulong" sa kani-kanilang mga tahanan noong sila'y musmos pa sa Inang Bayan.
Kahit ang mga "katulong" ay tinatawag nang kasambahay, walang nabago sa kamulatan ng mga Pilipino sa pagturing sa kanilang kapwa. Walang kwenta ang pagpapalit ng tawag sa mga babaeng namamasukan bilang kasambahay. Sa mga napapaka burgis, mga maids pa rin ang tingin sa kanila.
Hindi lahat na mga tahanan na may isa o dalawang kasambahay eh burgis. Pati nga kawani ng pamahalaan, pilit na kumukuha ng kasambahay para lang masabi sa kanilang mga kumare na kaya rin nilang magbayad ng swell do ng kasambahay. Pakiwari ko ginagamit lang itong mga kasambahay para maramdaman nila pano mabuhay parang isang burgis.




No comments:
Post a Comment