Tuwing tagsibol, ang mga bulaklak ng lupine, isang ligaw na halaman na kabilang sa pamilya ng mga garbanzos at gisantes o pea ang una kung hinahanap. Matapos ang tagsibol, nawawala ang mga lupine. Nang dahil dito, naisipan kung magtanim ng garbanzos na kung tawagin sa English ay chick pea.
Ang folktale na pinamagatang "The Pea Blossom" ay katha ni Hans Christian Andersen, isang Danish, at inilathala noong 1853. Kilala si Hans Christian Andersen na lumikha sa ilang mga tanyag na kuwentong pambata katulad ng "The Little Mermaid", "Thumbelina" , "The Snow Queen" na mas kilalang "Frozen", "The Ugly Duckling" at iba pa.
Ang bulaklak ng pea niya ay kwento ng limang putok sa buho, magkakapatid na buto na nanggaling sa isang buho ng gisantes. Isang bata ang tuwang-tuwang pumitas sa gumugulang na gisantes para sa kanyang laruang pea shooter. Nagpustahan ang mga magkakapatid kung sino ang pinakasikat at pinakamatagumpay sa kanilang lahat. Ang pinakamalaki sa mga magkakapatid ang unang napili ng bata at agad itong inilagay ang gisantes sa bibig at ibinuga gamit ng kanyang pea shooter. Di kalayuan napadpad amg unang gisantes at agad itong tinuka ng uwak. Ang pangalawang putok sa buho ay nais lumipad direcho sa araw. Hanggang ngayon missing in action pa rin ang turing sa pangalawang buto ng gisantes pagkabuga mula sa pea shooter. Dalawang buto na laging magkasama ang gusto lang matulog kung saan man sila mapadpad at iyong nga nangyari. Ang pinakaliit na buto ay napadpad sa may bintana ng isang kubo.
Sa kubo nakatira ang isang ale kasama ng kanyang masakiting anak na babae. Araw-araw, umaalis ang ale upang maglinis sa mga bahay ng mga mayayaman, maglaba, magluto, at iba pa. Napansin ng masakiting anak na naiiwan buong araw na nakaratay sa kanyang higaan ang pagsibol ng buto ng gisantes na napadpad sa isang malalim na kasulok-sulokan ng bintana kung saan umaagos ang ulan at naipon ang konting alikabok. Namangha ang masakiting bata sa tumubong gisantes at araw araw niyang pinagmasdan ang halaman. Di naglaon, ang minsa'y masakiting bata ay bumangon at naglakad na ilang hakbang patungo sa may bintana upang lubos na mapagmasdan ang bulaklak ng pea niya.
No comments:
Post a Comment