Susmaryosep, pati ba naman si Pacquiao? Hindi ko mapigilang bumulalas! Si Pacquiao ay ipinanganak na rin muli! Hindi mo kailangan basahin ang pagbubulalas ko. Alam ko hindi ka sang-ayon sa mga bulalas ko dahil ipinanganak ka ring muli. Tuwing umaga nakagawian ko na ang bigkasin ang mga litanya ng birhen. Bulalas o paglalapastangan? Ejaculation or blasphemy?
Palpallatok ti bigbigat, ikakasim Apo. Taga daton ngamin ni nanang ko ti kararwa ti gimong.
Alam ko na kung bakit pinaka malaking paglalapastangan ang murang putang ina mo. Heto ay dahil sa debosyon sa mahal na birhen. Kung ipinanganak ka ring muli tulad ni Pacquiao, hindi na angkop sa iyo ang mga litanya sa mahal na birhen. Pero no offense meant pa rin sa aking mga bulalas at patukmu-tukmong utak kanto'.

No comments:
Post a Comment