Saturday, December 26, 2015

Ethnic, exotic

Mas pinapaboran ko ang pagiging ethnic. Minsan sa Asian Social Institite, tinagurian ako ng  kamagong dahil sa aking mga kasuotan..bag na habi sa Cordillera, Our Tribe sandals at sinturon mula sa nilukot na tubao. Natuwa ako sa pagkakahalintulad ko sa  kamagong. Ang  pagbibihis ng mga yari ng mga katutubo minsan ay naging  isang  pamamaraan ng aking  sariling  papapakilanlan. Bagama't wala sa lugar, ang pagiging  kamagong sa siyudad ay isa ring hindi pangkaraniwang karanasan o novelty. Ano ang kamagong? Eh di i-Google mo!
Exotic. 
Exotic food.
Exotic women! 
Hindi ba't pang-iinsulto ang paglalarawan  ng mga kababaihan bilang exotic? Natitiis  ko pag nakakarinig ako ng mga kapwa mula sa Inang Bayang na tawagin ang lupang tinubuan na P.I. at mga kapwa kababaihan mula sa lupang tinubuan ipilit sa akin na ang tamang turing to women from P. I are Filipinas. Pero kung ang mga lalaking dayunan ay  maglalarawan sa mga kababaihan mula sa lupang tinubuan ay exotic Filipinas, ibang usapin na. 
Ang exotic fruit mula sa Davao? Durian!
Ang exotic fish para sa akin? Bisugo o di kaya talakitok! 
Ang exotic beauty? Nakakita ka na ba ng magandang bisugo o talakitok? 




No comments: