Tuesday, November 03, 2020

Araw ng Halalan

Matinik at  mapanganib ang panahon, katulad ng aking mga prickly pear cactus. At dahil araw ng halalan ngayon, patuloy ang akong nagmamasid at nakikiramdam. 
Kumusta na, ayos pa ba 
Ang buhay natin, kaya pa ba
Eh kung hinde, paano na
Ewan mo ba, bahala na?*

Maingay ang mga nakaraang mga buwan. Araw-araw, tuwing nasa social media ako, parang nasa loob ako ng colosseum kung saan ay may sabong, as in cockfighting sa English. Ayon pa sa American Society for the Prevention of Cruelty to Animals (ASPCA), ang sabong o pagsasabong ay isang klase ng blood sport na kung saan ay dalawang tandang ay nagsanay sa pananalakay para patayin ang kapwa  tandang. Tuwing napapadaan ako sa Facebook, tila mga tumataya sa sabong ang mga nakaka-engkwentro ko. Nakaka-addict ang kapayapaang dala ng pag-iwas ko sa Facebook. Sa sunod na sagutin mo ako ng "peace" kasama ng iyong mga emojis, tatanungin kita kung ano ang kapayapaan para sa iyo. Parehas ba ito sa iyong "peace"?
Tatanda at lilipas din ako...**

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik pa ba ang kahapon?***

Panapanahon din ang mga bayabas. Gusto kitang aanyayahan sa aking pamamayabas at pangangamote. 

Dahil minsan tayo'y nagkasama**

*Yano
**Florante
***Noel Cabangon




No comments: