Tila ba ako'y nagbalik bayan at nag stop-over sa ay sa Pangasinan: "Gali na!"
"Tangken tabungaw!"
Sumaglit ako sa Baguio kung saan nagsimulang mag-aral ng nursing o Pacita, isa sa mga pangunahing tauhan ng nobelang nilikha ng isang millennial na lumaki sa California. Pangarap ni Paz ang makapunta sa America kaya siya naging nurse. Bumalik siya sa Dagupan para sa kanyang clinicals at nakilala si Dr. Apolonio "Pol" de Vera isang nakakatandang surgeon na sa di nagtagal nanligaw sa kanya. Nagsimula sa tupig. Ang tupig ang paboritong kakanin ng nasirang ina ni Dr. Pol. Mula sa isa sa mga provincia ng Ilocos Sur ang angkan ni Dr. De Vera at pangkaraniwang kakanin ang tupig sa buong rehiyon ng Ilocos. May halong pang-uuyam ang sagot ni Paz noong sabihin niyang paborito niyang kakanin ang tupig.
Nagkatuluyan si Paz at si Dr. De Vera at di nagtagal, iniwan ni Dr. De Vera ang kanyang practice bilang surgeon sa Dagupan para doon na manirahan sa Milpitas, California makasama ang kanyang asawang si Paz na nagtatrabaho bilang nurse sa Veterans Hospital sa dakong Bay Area. Isinalarawan sa nobela ang pamumuhay ng mga Pilipino sa America. Andoon na yong dalawa o tatlong trabaho ang mga main breadwinners tulad ni Paz. Si Pol naman, ang dating surgeon ay nagtrabaho bilang security guard at may part-time job din. Ipinangalan ni Pol ang kanyang nag-iisang anak ng Geronima, mula sa kanyang ina at paboritong pamangkin na kapwa sumakabilang buhay na. Roni ang palayaw ng kanyang anak na si Geronima.
Mag-aaral ng medisina sa University of Santo Tomas (UST) ang pamangkin ni Pol na si Geronima o Nimang noong siya ay naglaho. Si Pol ang naatasang kumilala sa mga labi niya noong siya ay napamalitang mapaslang sa isang enkwentro ng militar at New People's Army (NPA). Sa loob ng sampung taon, nanilbihang doctor sa mga komunidad na kinabibilangan ng kanyang NPA unit sa mga bulubundukin ng Isabela si Nimang. Nadakip si Nimang habang nagsasagawa ng medical mission at siya ay ikinulong at pinahirapan sa pag-aakalang siya ang hinahanap na commander ng kanyang unit.
"Sibibiag ni Nimang!"
Sinikap ni Nimang ng manahimik habang pinapahirapan siya ng kanyang interrogator. Sa bandang huli, nakilala siya sa kanyang isinulat na salawikain sa salitang Ilocano. Walang maputik na tubig ang hindi lilinaw.
Itinakwil si Nimang ng kanyang sariling ama na naging alkalde sa isang bayan sa Ilocos. Ang kanyang tiyuhin na si Pol ang sumagip sa kanya, sa tulong ng kanyang tiyahin na nakatira sa Kamaynilaan.
Matapos mapagamot si Nimang sa kanyang mga pinsala dala ng pag to torture sa kanya ng kanyang mga investigators, siya ay naglakbay papuntang America upang doon na manirahan sa piling ng pamilya ng kanyang tiyuhin si Pol sa Milpitas. Taga hatid at sundo siya sa paaralan ng kanyang pinsang si Roni. Si Roni ang nagpangalan sa kanya ng Hero. Yes, as in super hero, ika pa ni Nimang.
"Tangken tabungaw!"
Sa Ilocano, heto ay tumutukoy pagiging magulang ng upo, ang gulay na tinatawag na bottle gourd sa Ingles. Sa isang bata, nangangahulugan ito ng pagiging matigas ang ulo o ang pagiging stubborn. Ang pagiging matigas ng ulo o maari ding pagmamatigas o conviction sa Ingles.
Inilarawan ng may akda ang pangkaraniwang kaugalian ng mga Pilipino sa America sa bagong pamumuhay ni Nimang na naging Hero. Andoon na yong pagpupumilit na magkilos mayaman at maging exclusive ang ilan. Hindi ko lubos maisip kung anong klaseng matanda ang magbigay ng chewing gum na galing sa kanyang bibig at ipahawak na parang ipinagkakatiwalang alahas ito kay Roni. Pero hindi lahat ng kwento ay pura mga pagkukunwari at paligsahan ng mga tauhan kung sino ang pinakamatagumpay, ang may pinakamarangyang bahay o kung sino ang pinakasikat. Nandoon ang pagtutulungan at pagmamalasakit ng bunga ng mga pagkakataon. Malalim ang kwento, pero hindi ito parody ng America Is In The Heart bagama't heto ang kwento ng mga pangkaraniwang Pilipino sa America. Maraming Pinoy sa America ang tila nandoon lang dala ng pagkakataon at walang inisip kundi bumalik sa lupang tinubuan. May mga bahaging nakaaliw tulad ng mga pagsasagawa ng mga ritual ayon sa mga naging kaugalian noong ng mga tauhan na isinilang at lumaki sa Pilipinas. Anak na lasi!

No comments:
Post a Comment