Patungkol sa mga alipin at mga foreign brides ang nobelang pinamagatang "Mango Bride" ni Marivi Soliven. Mula sa www. palancaawards.com.ph, napag-alaman ko na ang nobela ay dating pinamagatang "In the Service of Secrets" at ang nobela ay nakatanggap ng Carlos Palanca grand prize award noong 2011. Si Carlos Palanca ay isang matagumpay na negosyanteng Intsik. Kilala si Carlos Palanca bilang Tan Quin Lay bago siya bininyagan sa pagka Kristiyano. Ipinanganak si Tan Quin Lay sa Xiamen, Fujian, China noong 1869 at nag migrate sa Pilipinas noong 1884.
Minabuti ng mga iniwan ni Carlos Palanca na kilalanin at panatiliing buhay ang kanyang alaala sa pamamagitan ng pagtatag ng taunang gantimpala sa kanyang pangalan. Layunin ng Carlos Palanca awards ang mag ingganyo sa mga manunulat sa paglikha ng mga namumukod tanging panitikan; para bumuo ng collection ng mga likha ng mga mahuhusay na manunulat; at palaganapin ang panitikang Pilipino. Tinagurian ding Pulitzer Awards ng mga Pilipino ang Carlos Palanca Awards.
Kung hindi pa ako nag attend ng forum sa San Diego Central Library kung saan panauhin at facilitator ang may akda na si Marivi, hindi ko babasahin ang nobela niyang Mango Bride. Sa pamagat pa lang, nakikinita ko na ang mga stereotypes at label na laging nakakabit sa mga Pilipino, lalo na ang mga kababaihan at mga maralita. Hindi ko maintindihan kung paano naging bagong kasal na mangga ang pamagat ng nobela.
Habang binabasa ko ang nobela, naaalala ko ang sinabi ni Marivi sa forum. Hindi raw niya inisip na kayumanggi siya hanggang di siya pumunta dito sa America. Nandoon din yong kwento niyang tuwing sinasabihan siya ng kanyang mga mayayaman na kakilala na nakatira sa La Jolla, isang lugar sa San Diego na kung saan nakatira ang mga multi millionaires at billionaires, na ang mga tagapag-alaga ng kanilang anak ay mga "Filipina", sinasagot ni Marivi ang mga ito ng "So are mine!".
"And the conversation goes downhill from there!" Dagdag pa ni Marivi habang nagkukuwento siya sa forum na pinamagatang “Immigrant Writers Respond to President Trump” na ginanap sa San Diego Central Library noong nakaraang taon.
Mas angkop ang orihinal na pamagat ng nobela na "In the Service of Secrets". Pang Carlos Palanca grand prize award nga ba? Siyempre, familiar ako sa mga kwento ni Manuel Arguilla at Carlos Bulosan at minsan din akong nangarap na makapagsulat ng mga kwento na sing husay ng mga isinulat nila. Naingganyo din ako ni Ryan, nabasa niya at nagustuhan niya ang kwento. Natuwa ako at nagustuhan ni Ryan ang kwento.
Pero naging kasanayan ko habang nag-aaral ako sa ASI (Asian Social Institute) na maging mapanuri. Sa madaling salitang Ingles, tinutukoy ko ang aking mga critiquing skills. Bago mo ako kontrahin, gusto ko lang ipaliwanag sa iyo na hindi pareho ang pagiging mapanuri at pagiging critical o mapamintas. Nakatanggap din pala ang may akda ng gantimpala na tinawag na Hedgebrook writing residency noong 2012 para sa kanyang pagtatanggol at pagtataguyod ng mga issues ng mga kababaihan sa kwento. Ang mga kababaihan sa kwento ay sina Amparo Guerrero, ang bida at anak mayaman katulad ng may akda, si Nanay Marcela ang kusinera, si Senyora Concha, ina ni Amparo, si Beverly, anak sa labas ng tiyuhin ni Amparo, at Lisa, kaibigan ni Beverly na naging foreign bride.
Pangkaraniwan na drama sa telebisyon ang kwento, maliban sa pagkakasulat sa English. Andoon yong matapobreng amo, ang mga naninilbihan bilang tsimay, kusinera o tsuper, ang mga anak o kamag-anak ng katulong at ang mga anak ng amo. Kung drama sa telebisyon o isinapelikula ang nobela, malamang hindi ko ito papanoorin. May hawig din ang kwento sa "The Help" by Kathryn Stocket, yong tipong eat my shit ang drama.
Sa murang edad, nabuntis at nagpalaglag si Amparo kaya siya pinarusahan at pinadala sa America para maitago siya sa kahihiyan dala ng kanyang pagka disgrasyada. Sa Oakland siya napadpad at nagtrabaho bilang interpreter sa mga Pinoy. Nakilala din ni Amparo si Beverly na nakapag-asawa ng kano kaya nakapunta sa America. Aray!
Mas naaangkop ang original na pamagat ng nobela na "In the Service of Secrets". Corny na kung corny. At parang mismong karanasan o nasaksihan ng may akda ang mga detalye na ginamit sa paglarawan ng mga tagpo sa loob nga sambahayan ng mga mayayaman. Ginamit din ang mga mura na nag-uugnay sa mga mayayaman at mahihirap: puta'ng ina, punyeta at iba pa!
Tuwing nakakabasa ako ng kwento na iniakda ng isang manunulat na Pilipino sa wikang Ingles, naghahanap ako ng kasagutan kung sino ang kanilang target na mambabasa. Ang mga banyaga kaya at gusto nilang ikwento ang malaking agwat ng mga mahihirap at mayayaman sa bansa? Pakiwari ko sa kwento, gustong panatiliin ng mga mayayaman as in status quo baga, kung saan kabilang ang may akda, sa mga nakagawian na. Halimbawa, ang mga pamilya at angkan ng mga naninilbihan ay manatili sa paninilbihan. Kung makawala man sila sa kanilang sitwasyon katulad ng pangingibang bansa, hanggang foreign bride lang sila at mangangailangan pa rin ng interpreter sa tuwing sila ay nagigipit. Sa totoo lang, wala pa akong nakilala Pilipino sa America na nangailangan ng interpreter.

“Where’d you learn to speak English so well?”
“I learn it on the plane while coming to America.”
Obvious ba na hindi ako nasiyahan sa kwento? Pero sa totoong buhay, may mga ilan rin akong kilala na nakawala sa paninilbihan bilang katulong sa sambahayan. Saludo ako sa mga kilala kong guro na nanilbihan sa Hong Kong at nakapagpaaral ng kanyang mga anak na ngayo'y mga propesyonal: doctor, abogado at mga nurses na ngayo'y maari ding nandito sa America.
Paano nagtapos ang kwento? Battered wife ang dating foreign bride na si Beverly at nabaril ng kanyang asawang Kano. Pasok naman itong si Amparo na interpreter at nagulat siya noong ang contact number ni Beverly sa Pilipinas ay ang numero ng telepono sa kanyang sambahayan sa Manila or New Manila or Greenhills or saan mang mararangyang lugar sa National Capital Region. Si Beverly pala ay pamangkin ng kanilang kusinera, si Nanay Marcela. Ang nanay ni Beverly ay minsan din nilang katulong hanggang sa mabuntis siya ng kanyang Tiyo Aldo na ngayon pinatapon din sa Oakland, California para hindi pag tsimisan ng mga alta sociedad na kinagagalawan ng pamilya ni Amparo. Happy ending para kay Amparo dahil inampon niya ang anak ni Beverly. Noong nabuntis at nagpalaglag si Amparo, nasira ang kanyang matris at di na siya puedeng magka anak.
Carlos Palanca grand prize award noong 2011 at Hedgebrook writing residency award noong 2012 para sa pagtatanggol at pagtataguyod ng mga issues ng kababaihan ang nobela ni Marivi. Ganoon nga!

No comments:
Post a Comment