Kilala ko siya noon pa man. Noon pa man, pesteng yawa na siya. Walang pinatawad, masiba sa lahat. Heto, nagkita ulit kami. Pinagmamasdan ko ang mga dahon ng Oro Blanco na replica ng Oro Blanco ni Vilma sa Phoenix. Unti-unting nauubos ang mga dahon pero wala akong nakikitang caterpillar. Minsan, pinagmasdan kong maging isang paru-paro ang isang caterpillar na kinuha ko sa puno ng kalamansi. Naging cocoon at napisa bilang isang paru-paro. Pesteng yawa talaga. Anak ng tipaklong pala ang mga kumakain sa nga dahon ng Oro Blanco na replica sa Oro Blanco ni Vilma sa Phoenix.
Kung ikaw ba'y may pagkakataon mag-ibang anyo ng ilang sandali sa buhay mo. Magiging paru-paro ka ba o magiging tipaklong?
No comments:
Post a Comment